Summer Reads

March 31, 2009

Simula na ang summer! Di ba sabi ko lang na ayaw ko ng summer? OO, pag walang magawa. Ganun ang nangyari last year. May cycle ang araw ko na paulit-ulit buong summer. Bihira lang ang may kakaibang mangyari. Dapat last year makikilahok ako sa Earth Hour, isang event na papatayin ang lahat ng ilaw sa isang bong oras para kahit papano maisalba ang mundo sa lumalalang Global Warming. Wala e nakalimutan ko. Napanood ko na lang sa news na “Ay! Tapos na pala.” Ngayong taon, inulit ang Earth Hour. Pinatay ko lang ang ibang ilaw kasi hindi puwedeng lahat ipatay sapagkat mayroon ankong kapatid na sanggol. Medyo mababago na din siguro ang aking summer ngayon. Umuwi ang mga kamag-anak naming galing abroad. Eto ginagamit ko ang isa sa mga padala nilang laptop. Bumili rin ako ng libro ni Bob Ong, Stainless Longganisa at pinadalan din ako ng Twilight. Mayroon din silang inuwing Eclipse, Breaking Dawn at New Moon na para kay Ate. Hindi naman ako mahilig sa Twilight. Hindi ako mahilig bumili ng mga sikat, foreign at mahal na libro. Pero pwede na din yun. Atleast may libangan.

Leave a Reply